Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Murder suspek buwis-buhay kesa sumuko

0 59

Patay ang isang lalaki na may kasong attempted murder matapos diumanong manlaban at makipagbarilan sa mga pulis na magsisilbi ng warrant of arrest laban sa kanya sa Casiguran, Sorsogon.

Dead on the spot matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan ang suspek na nakilalang si Jimboy Miranda, residente ng Brgy. Poblacion, Bulan.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:25 Martes ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Bulan at Casiguran Municipal Police Station laban sa suspek.

Bitbit ang warrant of arrest laban sa suspek ay tinungo ng pulisya ang pinagtataguang bahay ni Miranda sa Brgy. Burgos.

Subalit imbes na sumuko nang malumanay ay mas pinili pa ng suspek na makipagbarilan sa kapulisan dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Nakuha sa suspek ang isang 9 mm Glock pistol. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.