Una sa Balita

Murder suspect patay sa habulan

By
0 150

Todas sa maiksing ha­bulan at palitan ng putok ang isang suspek sa kasong pagpatay, matapos makumpirma ng mga operatiba na may dalawang linggo na itong namamalagi o nagtatago sa Sitio Bignay, Pulo Island, Talisay Batangas.

Nabatid na dakong ala-una ng hapon kamakalawa nang ihahain sana ng Talisay Municipal Police Station ang warrant of arrest laban kay Wilfredo De Castro y Luistro alyas ‘Willy’, 34-anyos ng Brgy. Mabalanoy, San Juan, Batangas, na sangkot sa kasong homicide noong Hulyo 2009.

Ngunit nang makitang papalapit sa lungga niya ang mga operatiba ay kumaripas ito ng takbo habang pinapaputukan ng magnum caliber .22 revolver ang mga tumutugis sa kanya, bunsod nito’y nagkapalitan ng putok na nagresulta sa kamatayan ng suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy