Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Murder suspect dakma sa Marawi

0 84

Arestado ang isang murder suspek at miyembro ng kidnap for ransom group sa isinagawang ‘one time big time’ operation ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Marawi City.

Kinilala ni PNP-AKG Director P/BGen. Jonnel Estomo ang suspek na si Michael Estanol na naaresto sa Barangay Matampay Huwebes ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Ginoog City Regional Trial Court.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong murder si Estanol dahil sa pagpatay nito sa negosyanteng si Ernesto Rementizo noong 2018.

Nabatid na sangkot din ang suspek sa kidnap for ransom activities sa ilalim ng grupo ni Ibrahim Langco Salic na kung saan tinatarget nito ang mga negosyante hindi lamang sa Marawi City kung hindi sa buong Mindanao

Sinasabing sangkot din si Estanol sa iba pang iligal na mga aktibidad tulad ng gun-for-hire at extortion sa Ginoog City sa Misamis Oriental kung saan nagpapanggap umano ito bilang construction worker. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.