Una sa Balita

Murang in-city housing

By
0 153

Kasabay nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tumataas na rin ang ­presyo ng pabahay sa ating bansa.

Nakalulungkot po dahil malaking pabigat ito para sa milyon-milyon nating kababayan na patuloy na nangangarap na magkaroon ng disente, de-kalidad at abot-kayang halaga ng pabahay.

Pero huwag po ka­yong mag-alala, dahil tuloy-tuloy ang pagsisikap natin sa Kongreso na gawing opisyal na polisiya ng pamahalaan ang murang in-city housing para sa ating mga informal settler.

Bilang chairman ng committee on housing and urban development, isinusulong din ng inyong lingkod ang pagbabawal sa pagpaparenta sa mga pabahay ng gobyerno.

Marami pong pag-aaring lupa ang pamahalaan. Bakit kailangang iparenta kung maaari namang ibigay sa mga karapat-dapat? Bakit kailangan pang pahirapan kung maaari naman natin silang tulungang umasenso para maging kaagapay sa pag-unlad ng ating bansa?

Kailangan lang po na­ting pakinggan ang hinaing ng mga benepisyaryo ng mga programang pabahay ng pamahalaan para mas naaayon ang solusyon sa kanilang pangangailangan.

Tuloy lang ang laban para sa maayos at ligtas na pabahay para sa pamilyang Filipino. Sinisikap po namin sa Kongreso na tapatan ng abot-kayang halaga ang mga programang pabahay ng gobyerno na akma sa kakayahan ng ating mga benepisyaryo.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 2.1 % sa unang taon ng 2018 ang presyo sa pagbili ng bahay sa bansa. Sa Metro Manila, ang ave­rage residential pro­perty price ay tumaas ng 2.7% kumpara noong nakaraang taon.

Kadalasan ay hindi lang po nagiging epek­tibo ang mga proyektong pabahay dahil mas pinipili ng karamihang Filipino ang ma­ging informal settler upang hindi maiwanan ang pinagkukuhanan nila ng kabuhayan.

Nasa Senado na po ang isinusulong natin na House Bill 6775 o panukalang pagbuo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na tutugon sa mga usa­ping pabahay pati na rin ang karapatan ng mamamayan na makapanirahan sa siyudad.

Hindi lang po istrukturang matitirahan kundi may bonus pang pangkabuhayan ang mga progra­mang pabahay ng ating pamahalaan.

Bilang chairman ng committee on housing and urban development sa Kongreso, misyon ko po na bigyang-prayoridad ang usaping pabahay at dahil dito kung kaya po nabuo ang House Bill 6775 o pagtatatag ng isang human settlements department.

Likas sa ating mga Filipino ang pagiging matatag. Matiisin din kung kailangan. Kaun­ting panahon na lang po at abot-kamay na ang katuparan ng inyong mga pangarap. Sa suporta ng admi­nistrasyong Duterte, magkakaroon po iyan ng katuparan.