Una sa Balita

Murang Bigas ’di ramdam

0 173

“Hindi namin nararamdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas.”

Ito ang sigaw ng mga consumer sa patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa dahil sa inaasahang epekto ng “Rice Tariffication Law.”
Ilang buwan na, halos dalawang piso na ang ibi­nababa ng presyo ng bigas sa bansa.

Ayon sa grupong Laban Consumers mas maigi pa sanang bumaba ang presyo ng bigas kung magbibigay ng mas mababang suggested retail price ang pamahalaan.

Sinabi ni Atty. Vic Dimaguiba, presidente ng grupo kung mas mababa ang SRP baka makuha pa sa halagang P32 kada kilo ang presyo ng bigas, imported man o local.

Batay naman sa status ng Philippines Statistic Authority (PSA), sa kasalukuyan presyo ng bigas sa National Capital Region (NCR), nasa P35 ang kada kilo ng regular milled rice, P44 ang well milled rice, P46 ang premium milled at P50 sa special rice.

Sa NCR, bumaba ang presyo ng regular milled rice noong Pebrero, mali­ban lang noong Abril kung saan tumaas ng mahigit piso kada kilo bumaba rin ang presyo ng well milled rice ngunit sentimos lamang dahil naglalaro ito sa P43 kada kilo hanggang nitong nakalipas na buwan ng Mayo. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy