Una sa Balita

Murang bigas babaha, pag-import puwede na sa lahat – Duterte

0 312

Nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para luwagan ang pag-angkat ng bigas upang bumaha at bumaba ang presyo nito sa mga pamilihan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mangangahulugan ito na kahit sino ay puwede nang mag-angkat ng bigas basta sumunod lamang sa mga kailangang permit at magbayad ng taripa sa gobyerno.

Nagpasya aniya si Pangulong Duterte na luwagan ang sistema sa pag-iimport ng bigas dahil sa hinaing ng mga Pilipino na mahal ang presyo ng bigas sa merkado.

“The President approved unimpeded importation of rice as a measure to reduce inflation. He wants to flood the market with rice so that even if the price of crude and other oil prices should go up still further, the people will have access to affordable rice. Wala na pong restrictions nga­yon basta magbayad lang ng taripa at gagamitin natin ang taripa para sa mga pilipinong magsasaka ng bigas,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na naging matindi ang diskusyon sa isyu ng bigas sa cabinet meeting pero itinangging humantong ito sa sigawan sa pagitan ng ilang ­cabinet member, bagkus ay maituturing lamang aniya itong “fierce discussion” kung papano masolu­syunan ang problema sa presyo ng bigas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy