Una sa Balita

Muntinlupa ibabaon ni Wilson, San Juan

0 305

Mga laro ngayon: (Ynares Sports Arena)

4:00 pm – San Juan vs Muntinlupa

6:30 pm – Parañaque vs Bataan

8:30 pm – Rizal vs Imus

SIGURADONG muling sasandal ang San Juan Knights Go For Gold kay ex-pro John Wilson para maitumba ang Muntinlupa Cagers sa alas-kuwatro ng hapong sultada at ituloy ang pagdomina sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims na ngayon sa Ynares Sports Arena-Pasig City.

Kapasabog lang ni Wilson ng big 20 points para ibalik sa win column ang SJ sa kartadang 16-2 win-loss para mag-isa sa tuktok ng Group A, tinagpas ang Valenzuela SPV TOP Marketplace nitong Martes sa Caloocan City Sports Center, 78-68.

Nasa ika-14 na puwesto o ikalawa sa kulelat ang Muntinlupeños sa barahang 4-14, tumilapon sa Valenzuela nitong Oktubre sa Valenzuela Astrodome, 97-83.

Magsasagupa rin ang Parañaque (7-12)-Bataan Risers (10-8) sa sa alas-6:30 nang gabi, at ang Rizal (3-12)-Imus (4-13 ) sa alas-8:30 nang gabi. (Asivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy