Una sa Balita

Muntik na kaming mamatay — Angelica

0 458

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNag-alala ang mga fan, follower ni Angelica Panganiban sa pinoste nitong kaganapan sa kanya. Sa tweet ni Angelica nu’ng Lunes, sinabi niyang nakaranas siya ng aksidente sa kalsada pa­puntang airport.

Umikot daw sa freeway ang taxi na sinasakyan niya, na dahilan ng bukol niya at makirot na batok.

“Umabot! Although umikot sa freeway yung taxi ko sa Japan. Masakit lang batok ko at may bukol. Pero ang importante, ligtas kami ni kuya driver,” sabi ni Angelica.

Ang sumunod na tweet ni Angelica ay nagbigay-aliw sa kanyang mga fan. Na kahit nanganib daw ang buhay niya at kasalanan ng driver ay hindi siya inilibre sa taxi fare.

“Nagtaka lang ako pinagbayad pa nya ako kahit muntik na kaming mamatay,” tweet niya.

Nasa Madison Square, New York nga-yon si Angelica, at ‘yun marahil ang dahilan kung bakit naghabol siya ng flight mula Japan.

Heart sinopla ang basher

Nasa mood si Heart Evangelista para barahin nang suwabe ang isang follower/basher niya sa Instagram na gusto sana siyang patutsadahan. Naka-post sa Instagram ni Heart ang larawan nila ng mister niyang si Chiz Escudero.

Magkaharap ang mukha nila habang nakangiti.

“Love on a weekend,” sabi ni Heart.

Naka-panning ang camera kay Heart kaya nalantad nang buo ang leeg niya. Ang leeg ni Heart ang ginamit ng follower na gusto sanang mag-joke at patutsadahan si Heart.

@jacob_capistrano, “Chiz is staring at your esophagus.”
Sinagot ito ni Heart at tila nasupalpal niya ito.

“@jacob_capistrano yes he loves all of me,” sabi ni Heart.

Bumilib ang mga fan ni Heart sa paraan nito ng pagsagot.

Dyowa ni JK Labajo sasabak na sa aktingan

Asahan na ang pag-aartista ng “Asia’s Next Top Model Season 5” winner na si Maureen Wroblewitz dahil sa post ni Direk Erik Matti sa kanyang Instagram na wini-welcome ang model-host sa kuwadra ng kanilang production, ang Reality Entertainment.

Naka-post sa IG ni Direk Matti ang ilang larawan na kasama niya si Maureen at si Dondon Monteverde.

Sa isang photo, makikitang pumirma ng kontrata si Maureen at nakipag-shake hands kina Direk Matti. Si Direk Matti na mismo ang nagbigay ng ideyang gagawa sila ng pelikula ni Maureen, pero nag-iimbita siya ng ideya sa kanyang mga follower kung ano ang klase ng pelikulang gagawin nila para sa modelo.

“We have a new muse @realityentertainment welcome to our humble production house @mauwrob Maureen Wrob. Now, what movie should we do now?…hmmmm #asnt5 #asntm5maureen #asntm5winner,” sabi ni Direk Matti.
Si Maureen ang sabi-sabing dyowa ngayon ni JK Labajo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy