Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Muntik mag-quit sa showbiz: Yassi umamin sa madilim na pinagdaanan

0 128

Muntik na ngang kumalas sa showbiz si Yassi Pressman at iwanan ang mundong nagbigay sa kanya ng kasikatan, kayamanan.

‘Yan ang siniwalat ni Yassi sa Instagram, kung saan mapapanood ang kanyang boxing working out routine.

Ayon sa caption, dumaan sa isang madilim na yugto ng kanyang buhay si Yassi na siyang dahilan kung bakit ninais niyang bitawan ang lahat.

Ewan lang kung kasama na rito ang pagtatangkang magpakamatay, pero sabi ng aktres ay “everything”.

Ang pagbu-boxing daw ang nagsalba sa kanya para maibsan ang lungkot sa mga pinagdaanan.

Sabi pa ni Yassi, “I remember a time where boxing saved me, I was trying to move on from a dark time in my life where i quit everything. Everything…(let’s save that for later).

“But finding this new hobby of mine, got my days exciting again, it made my sad mood swings go away because I had purpose again, purpose that pushed myself to be better than i was yesterday.

“Of course more challenges throughout the years came up, but thankfully that didn’t stop me. I then found MMA, and that inspired me to get back and fight anxiety, MMA motivated me again.”

Pinagpasalamat ni Yassi na natutunan niya ang ganitong sports at nais nyang maging professional MMA.

“I’ll always be thankful for this sport. I am not pretending to be a pro, nor am i trying to be one in the future. I am just grateful for things that make me feel alive.

“I salute every strong person out there who is fighting a battle that no one knows about. Keep going….”

“It’s inevitable that some days or weeks you’ll feel overwhelmed by everything that’s going on, but know that that’s okay…I hope this reminder inspires you to find something to keep your mind and body healthy. Always take care of yourselves & check up on your friends,” sabi pa ni Yassi.

Nangangalit ang mga muscle ni Yassi sa workout na animo ay isang amasona. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.