Una sa Balita

Muntik maaksidente sa nakisakay na white lady

0 274

Mga ka-Misteryo, naranasan niyo na bang saba­yan kayo ng multo sa inyong pag-uwi?

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta mag Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Hatinggabi nang makauwi si Dexter mula sa trabaho sa Maynila kaya’t halos inaantok na rin siya sa pagmamaneho kaya ingat na ingat siya.

Sa kanyang pagliko sa isang kalye malapit sa isang punerarya ay may napansin siyang babae na nakatayo sa tabi. Nagtaka siya nang pagdaan niya ay sinundan siya ng tingin. Binalewala lang niya ang nakita kaya ­deretso lang siya sa pagmamaneho.

Pakaliwa na siya sa isang tulay nang mapansin niyang naka-berde pa ang ilaw ng traffic light pero nagtaka siya biglang tigil ang mga kasabay niyang mga sasakyan. Dahil nasa unahan siya at go signal pa kaya’t pinaharurot niya ang kanyang sasak­yan, nang biglang umarangkada ang mga sasak­yan sa kabilang kanto. Muntik na siyang masalpok ng isang jeepney. Sinigawan siya ng driver sabay sabing “Stop ka na, pula na umarangkada ka pa!”

Nagtaka siya dahil kitang-kita niya berde pa, hindi dilaw at mas lalong hindi pula ang traffic light kaya tuloy-tuloy lang siya.

Pagkatawid niya ng tulay ay may napansin siya sa gilid ng mata niya, may tila gumalaw sa upuan sa gawing likuran ng kanyang sasakyan. ‘Yan ang inusisa ng #Misteryo.

Misteryo: “Ano ‘yung sinasabi mong gumalaw sa gawing likuran mo?”

Related Posts

Dexter: “May gumalaw parang liwanag o puti kaya tumingin ako sa salamin, may naaninag akong hugis ulo na nakaupo sa aking likuran at gumalaw.”

Misteryo: “Anong ginawa mo? Hindi mo ba nakita buong hitsura niya?”

Dexter: “Hindi eh malabo…blurred. Siya ‘ata ‘yung babaeng nakatayo sa tapat ng punerarya na akala ko tao eh mukhang multo o kaluluwa.”

Misteryo: “Nu’ng mapansin mo siya anong nangyari? Hindi ka ba natakot?”

Dexter: “Takot? ‘Yun bang kilabot na naramdaman ko takot na ba ‘yun?
Tuloy lang ako sa drive ko kasi gusto ko na nga umuwi pero napansin ko gumaan ang sasakyan, mukhang umalis na ‘yung multo.”

Hindi lang si Dexter ang may karanasang ga­nito sa daan kaya dapat lagi mag-ingat. Marami na ring aksidente ang nangyari na ang dahilan ay white lady, engkanto at iba pang ligaw na ispiritu.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More