Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Muntik ma-scam na may anak

0 75

Medyo random ito at hindi ko rin makita ‘yung meaning sa iba. Napanaginipan ko na may lumapit daw sa akin at paulit-ulit niyang sinabi sa akin na i-check ko raw ‘yung daughter ko sa labas. Pero wala naman kasi akong anak. Then kahit nananaginip ako, parang aware ako or alam ko na panaginip lang ‘yon tapos sinasabi ko dun sa taong kumausap sa akin na wala naman akong anak. Tinandaan ko talaga ‘yung panaginip na ‘yun kasi gusto kong malaman ano bang kahulugan tsaka feeling ko isa siyang scam tapos naligtas ko ‘yung sarili ko dun.

  • Lynn

Ipinapakita ng panaginip mo ang complex relationship mo sa iyong sarili at sa ibang mga taong nakapaligid sa iyo. Kadalasan, ang panaginip na involve ang isang bata ay nagrerepresenta sa inner child mo o kagustuhang maging malaya o may mag-alaga sa iyo.

Hindi talaga madaling mahanapan ng eksaktong kahulugan ang panaginip na tungkol sa mga bata, pero ang pinaka general na ibig sabihin nito ay may kaugnayan sa emosyon na akala mo ay pambata lang pero kailangan mo rin pala bilang adult.

Maaaring dahil sa panaginip mong ito ay nagkaroon ka ng sense kung ano ang nararamdaman ng mga bata lalo na ang mga itinatanggi ng lipunan.

Posibleng sinasabi ng panaginip mo na may agam-agam ka sa major change sa buhay mo. Tulad ng pagkakaroon ng anak, isang malaki at panibagong stage ng adulthood ang pagkakaroon ng anak, maaaring nasa punto ka rin ng buhay mo na kailangan mo ng malaking pagbabago at ipinakita ito sa iyo sa pamamagitan ng ganitong panaginip.

Pero hindi naman nangangahulugan na magkakanak ka rin. Maaaring nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng bagong trabaho, bagong relasyon, o kaya naman ay pagbabati sa pamilya.

Ang motif naman na scam ay hindi rare pagdating sa panaginip at depende sa context, maaari itong may positibo at negatibong kahulugan.

Kung sa panaginip mo ay na-scam ka o tingin mo ay balak kang lokohin ng taong kausap mo, sinasabi nito na dapat kang maging mapagmatyag sa waking life. Isa kang mabuting tao pero hindi mo natutukoy agad kung sino ang may masamang intensyon sa iyo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@newuserone

Leave A Reply

Your email address will not be published.