Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Muntik bumigay: Utang ko buhay ko kay Elias – John Lloyd

0 123

Poging-pogi na naman si John Lloyd Cruz ngayon. At yes, balik showbiz na nga siya, at ang Crown Artist Management ni Maja Salvador ang mangangalaga ng kanyang career.

Pero bago `yon, napanood ko rin ang interview ni Direk Ceasar Soriano kay John Lloyd sa YouTube channel para sa show na Boses ng Masa sa YouTube channel nito.

Si Direk Ceasar ang nagprodyus at nagdirek ng pelikulang ‘Ang Misyon: A Marawi Siege Story’ na pinagbidahan ni Martin Escudero.

Napag-usapan nila ang tungkol sa takot na mahawa ng coronavirus ang kahit na sinong miyembro ng kanyang pamilya.

“Siyempre ako, madalas kasama ko sa bahay ang aking mga magulang. Pareho silang seniors na, tapos meron akong anak na maliit (Elias). Siyempre, hindi maiiwasan na ikaw ay mangamba.

“At ayoko na ako pa ang maging dahilan na baka makasagap ang parents mo (ng virus), di ba?

“Sa bahay may sinusunod din naman kaming mga na protocols, kung ano ang nagwu-work para sa amin, ‘yun ang ginagawa namin.

“Pero siyempre, kahit anong gawin nating pag-iingat, kung talagang mangyayari, mangyayari. Pero, ayaw mo na lang na makadagdag ka pa sa problema,” sabi ni Lloydie.

Tinalakay rin nila ‘yung kung paano naapektuhan ng krisis si John Lloyd? Na siya ba ay tulad din ng ibang artista na nanganib na rin ang kaban? Sumagi ba sa isip niya, o takot, na baka ito na ang katapusan ng mundo?

“Gaya ng karamihan, ‘di man lahat, gaya sa kanila, na hindi mahirap ma- overwhelm to a point, na minsan magkakaroon ka ng anxiety attack.

“Yes, nangayari sa akin ‘yon. Hindi naman ako naiiba sa karamihan. “Kung ano ang pinapangambahan ng karamihan, nararamdaman din natin.

“Puno ng uncertainty ang mundo, hindi natin alam kung ano ang mangyayari, kung ano ang plano ng mga nagpapatakbo. Kung hahayaan natin ang sarili natin sa ganun, medyo hindi tayo makakagalaw,” sagot niya.

Ano ba ang mga ginawa ni Lloyd habang nakatengga sa bahay?

“Kailangan alagaan ang katawan mo. Parang survival na ito. Kung mahina ang katawan mo, paano ka lalaban? So, dapat alagaan ang katawan.

“Number one mag-exercise ka. Home workout. Basta kailangan mo lang gumalaw, ‘wag ka lang mapako sa kama, galaw ka, papawis ka.”

Nabago ba ang routine ng buhay niya?

“Malaki na ang pinagbago ng body clock natin mula napahinga tayo sa pagsyusyuting, sa paggawa ng pelikula.

“Malaki na ang pinagbago ng routine, na maaga na tayong natutulog ngayon, maaga na rin tayo nagigising, na minsan mas nauuna pa tayo sa sikat ng araw.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinanong si John Lloyd kung ano natutunan niya noong mawala siya sa sikrulasyon?

“Marami tayong natutunan na babaunin natin sa susunod na pagbangon. Sa susunod na bukas.

“Number one, dapat ‘yung well being mo, alagaan mo, maging grounded ka. Malaman mo para sa sarili mo na hindi makakatulong kung tayo ay magpa-panic o magiging aligaga. Mahirap maging productive kung tayo ay puno ng pangamba o takot.”

Ngayon ba ay puwede nang sabihin na ‘New John Lloyd’ na siya?

“Ah, oo. Siguro hindi lang kaninang umaga nagsimula `yon. Noong makawala pa. Hahahaha!” sabi ni John Lloyd.

Ano ba ang nangyari noong makalawa?

“Naimbiitahan mo ako. Hahaha!” sabi ni John Lloyd kay Direk Ceasar.

Ngayong pandemic ba, kontrolado na ba ni John Lloyd ang gastos, o tipong ang mga bayarin ba ay tinututukan na niya?

“Nung wala akong trabaho mas naging tutok ako, mga 4-years ago. Siyempre hindi ka na ganun ka-busy, meron ka nang time talaga mag-manage, mga basic, mga utilities.”

Cebu namalengke.

Kuwento ni John Lloyd, madalas daw ay nasa bahay siya ng parents niya, lalo na kapag kasama niya ang anak (nila ni Ellen Adarna).

“Nakatira ako sa parents ko ngayon, namo-monitor ko rin naman (ang mga gastos). Siyempre sa bulsa ko rin manggagaling `yon.

“Pag kasama ko anak ko, doon kami sa mga magulang ko. Doon nakiki- share ako,” sabi ni John Lloyd.

Tinanong din si John Lloyd, na dahil ba sa pagsubok na dumating sa buhay nila, na akala niya ay hindi na niya malalampasan, at inspirasyon nga siya ng marami na pilit bumabangon. Masasabi ba niya na mas malapit na siya sa Diyos ngayon?

“There’s no other way kundi mapalapit ka pa sa Kanya. Palagi akong nagpapasalamat kung ano ang meron ako. Wala na ang mga agam-agam ko sa paghahangad kung ano ang wala ako. Sabi ko nga, simple lang pala (ang buhay), nagpaikot-ikot ka pa.”

Anyway, para kay John Lloyd, si Elias daw ang naging dahilan, o tulay sa malaking pagbabago sa buhay niya.

“Ang anak ko talaga ang teacher ko. Malaki ang papel niya sa kung bakit ako nandito pa ngayon. Malaki ang talagang papel niya kung bakit bumabangon ako, nagsisumikap.

“Malaki ang utang ko… Utang ko buhay ko sa anak ko. Kung wala ang anak ko, baka wala na rin ako dito (sa mundo),” makahulugang sabi pa ni John Lloyd.

Leave A Reply

Your email address will not be published.