Una sa Balita

Munisipyo sa NE tensyonado parin

By
0 405

PUNO ng tensiyon ang sitwasyon kahapon sa munisipyo ng Sto. Domingo, Nueva Ecija sa pagsisilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng ‘reinstatement order’ para sa pagbabalik puwesto ni dismissed Mayor Imee L. de Guzman.

Dala nina DILG Provincial Director Renato Bernardino at lawyer Jack Paulino ng DILG Region 3 Office ang joint resolution order na nilagdaan noong Enero 21 ni Ombudsman Samuel Martines ukol sa ‘reversal’ sa ‘dismissal order’ ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales kay de Guzman noong Hunyo 19, 2018.

Kahapon nang umaga ay tumanggi munang tanggapin ni acting Mayor Greg G. Andres ang order dahil iginiit na final and executory at recorded noon pang Sep. 04, 2018 sa Books of Entries of Judgments ang pagdismis ng Court of Appels sa Petition for Certiorari and Prohibition nito na kumwestiyon sa Ombudsman decision noong Hunyo 19, 2018.
Naisagawa ang ‘posting’ ng order sa munisipyo kahit hindi tinanggap ni Andres.

Nabanggit ni Bernardino na medyo na-delay ang order makaraang magkamaling maipadala ito sa Region X.
Kinumbinse naman ni de Guzman si P/Sr. Supt. Leon Victor Rosete, acting NE police director, na ipatupad ang Ombudsman order at saka na sagutin ang mga kwestiyon ni Andres.

Dakong alas-dos nang hapon nang iniutos ni Rosete ang pagpapalabas sa lahat ng mga nasa munisipyo upang makapunta si de Guzman at taga-suporta nito na agarang nagpatugtog ng ‘We are the Champions’.

Noong Hunyo, 2018 ay bumaba sa puwesto si de Guzman makaraang sibakin ni Carpio-Morales dahil umano sa paglabag sa Rep. Act 3019 at PD 1602.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy