Una sa Balita

Multo namasyal sa loob ng eroplano

0 218

Mga ka-Misteryo hindi lang sa mga sasakyang panlupa nagpapakita ang mga multo kundi maging sa eroplano. Ito ang kuwentong karanasan ni Mica ng Parañaque na mahilig bumiyahe.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Kasasakay noon ni Mica sa eroplano patungong Hongkong at habang nakahimpil pa sa paliparan ang sinakyan niyang eroplano ay may napansin siya sa bintana ng kabilang eroplano—may lalaking nag­lalakad at pasilip-silip sa mga bintana.

Noong una ay hindi pinansin ni Mica ang kanyang nakita sa pag-akalang flight attendant ng kabilang eroplano ang nakita niyang gumagala.

Pero nagtataka siya sarado naman ang pintuan ng eroplano at wala pang sakay na pasahero. Kaya lumakas ang kutob niyang multo ang kanyang nakita. ‘Yan ang kanyang idinulog sa #Misteryo.

Misteryo: “Anong ginagawa ng multo sa kabilang eroplano nang makita mo?”
Mica: “Palipat-lipat ng bintana ang multo tila may sinisilip o hinahanap sa labas.”

Misteryo: “Ano pang ginawa niya? Nakita mo ba ang mukha? Anong hitsura?”
Mica: “Malabo hindi ko nakita ang face niya kasi blurred at saka may kalayuan pero heto pa ang nangyari…”

Misteryo: “Anong nangyari? Nagwala ba? May sinaktan ba?”

Mica: “Biglang lumitaw ‘yung multo sa loob ng eroplano namin at nakita siya ng isa pang clairvoyant na pasahero kaya hindi na ako nagpahalata.

Misteryo: “Anong reaksyon ng isa pang clairvoyant? Anong ginawa mo?”

Mica: “Nakita ko mukha niya takot na takot siya. Hindi siguro siya makapaniwala of all places sa loob ng airplane pa siya nakakita ng multo.”

Misteryo: “Anong ginawa ng multo sa eroplano ninyo?

Mica: “Tulad ng ginawa niya sa kabila, inisa-isa niya ang mga bintana at parang may hinahanap sa labas pero bigla siyang naglaho.”

Hindi natin masabi kung sino ang multo pero mahalagang nalaman natin dito kahit saan kahit anong oras maaaring lumitaw ang mga multo.

Para sa inyong mga kuwentong nakakatakot o kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More