Una sa Balita

Multiple MVP Fil-Canadian cager nais mag-PBADL

By
0 1,564
 
ISANG multiple tournament Most Valuable Player awardee na Filipino-Canadian ang na­ngangarap makapasok sa 7th Philippine Basketball Association Developmental League o PBA D-League Rookie Draft 2019 bukas, Martes, Enero 15.

 

Siya ay si Zammy Quiambao, 20, sinilang sa Valenzuela City noong Mayo 12, 1998, panga­lawa sa tatlong mag-uutol, naglarong iskolar sa Keyano College noong 2017, at isa sa 153 malalakas na aplikante sa okasyong nagsisilbing hagdan sa PBA.

 

 

Minsang umiskor ng career-high 37 points at nagsalpak ng 11 3-pointer (pinakamarami sa isang high school game) nang nasa Saint Mary’s High School sa Calgary ang isa sa Alberta top 10 shooters na si Quiambao.

 

 

Nakapanayam siya ng Abante nang mapasyal sa pagsama sa kaibigang si Al Joseph Benedict ‘Job’ Ca­riaga nang maging panauhin sa ABANTE Sportakan Web TV sa Makati City.

 

 

Aniya, gaya ng mga Fil-Canadian ding sina Cariaga at Mark Joseph Mag-isa Millama, pakay din niyang ma-draft siya sa PBADL at kung sakali’y makapag-PBA rin upang manatili na sa sinilangang bayan.

 

 Q & A
 ABANTE: Kumusta ka na Zammy? 
 
QUIAMBAO: First, I’d like to thank you sir Ramil for this opportunity. Okay naman po ako.
ABANTE: Napakaraming sports, bakit basketball ang mga napili mong laruin?

 

QUIAMBAO: I’ve always loved the game of basketball, it takes my mind off things when I’m on the court playing it gotten me through so much in my life.

 

ABANTE: Ano ba ang panga­rap mo?

 

QUIAMBAO: The goal is PBA po yun po talaga ang main goal coming here, although it will be tough I’m up for the challenge naman.

 

 ABANTE: Siguradong may mga napanalunan ka ng mga trophy at medal sa mga competition. Ano ang pinakaispesyal?   

 

QUIAMBAO: Siguro po when I won as a tournament MVP with putting up 37 points in one game, that was memorable to me. 

 

ABANTE: Mensahe mo sa ating mga kabataan na nais ding maging basketbolista gaya mo pagdating ng araw?

 

QUIAMBAO: Ang mensahe ko lang po para sa kanila, is just be yourself write your own story of success and the best version of yourself and also not let other people tell you what you can or can’t do, nothing is impossible if you know you’ve put in the work. Stay loyal to the game put in the work and leave the rest the man above.
Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More