Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Multicab na may 18 sakay sumadsad sa bangin

0 27

Patay ang driver ng isang multicab habang sugatan ang 17 pang sakay nito matapos mahulog ang sasakyan sa isang bangin sa Malitbog, Southern Leyte nitong Martes.

Kinilala ang nasawing driver na si Alberto Payac.

Ayon sa awtoridad, binabaybay ng multicab ang Provincial Road sa Barangay Sangahon nang bigla na lamang huminto ang makina nito sa isang palusong na daan.

Dahil dito ay nawalan na ng kontrol si Payac sa sasakyan at dumiretso sa bangin.

Lahat ng sakay ng multicab ay isinugod sa pagamutan kung saan ‘di na umabot ng buhay ang nasabing driver.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.