Una sa Balita

Multi-services caravan sa Baseco, inilatag ng Villar SIPAG

0 2

Nagsagawa ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) ng medical/dental mission at feeding activity para sa mga residente ng Gasangan, Baseco, Brgy. 649, Manila.

Kasabay ito ang pagdiriwang ng 78th anibersaryo ng DZRH, ang pinakamatagal na istasyon ng radyo sa Pilipinas.

Lumahok si Sen. Cynthia Villar, Director ng Villar SIPAG at Chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources; at Senate Committee on Agriculture and Food, sa pagdiriwang kasama ang mga opisyal ng DZRH at MBC. Kasama rin nila ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya gaya ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

“Poverty alleviation is the heart of Villar SIPAG and it gives us great pleasure to be supporting and taking part in this anniversary activity of DZRH, which is known for its long-running and credible news broadcasts and its mission to serve our fellow Filipinos,” ani Villar.

May 500 pasyente ang nakipagkita sa mga doctor mula sa Philippine Air Force at iba pang private vo­lunteer doctors sa idinaos na medical mission. 

Ang Villar SIPAG ang nagbigay ng supplies at medications sa aktibidad na ito.