Una sa Balita

Multa ng Grab ipapasa lang sa driver

0 337

HINIMOK ni PBA ­Party-list Rep. Jericho Nograles (PBA) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tiyaking babayaran ng Grab Philippines ang multi-million ­multa at refund sa kanilang mga pasahero nang ­hindi piniperwisyo ang kanilang mga driver.

Ayon kay Nograles ang mga tsuper ang pinaka biktima ng pang-aabuso ng Grab bukod pa sa mistulang ­alipin para lamang magkaroon ng malaking komisyon na siyang ­ibinibigay ng TNVS.

“They should not be the one ­shouldering the fines imposed by the PCC (Philippine Competition Commission). Habang halos 24 oras silang namamasada, hayahay lang at sarap buhay lang nararanasan ng management ng Grab,” giit ni Nograles.

Karamihan sa mga driver ng Grab ayon pa kay Nograles ay naghihirap dahil sa binabayarang amortization ng kanilang mga sasakyan.

Nauna rito ay pina­tawan ng ­Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab ng P23.45M ­multa at pag-refund ng P5.05 ­multa dahil sa kanilang mga ­paglabag sa ­kasunduan ­pagdating sa ­pamemeresyo sa kanilang serbisyo.(JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy