Una sa Balita

Muling pag-atake ng polio pinaiimbestigahan

0 257

Iimbestigahan ng Kamara ang muling pag-atake ng sakit na polio sa bansa sa kabila ng mahigpit na implementasyon ng anti-polio vaccine program.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, hihi­lingin niya sa kapulu­ngan na imbestigahan ito dahil maraming kailangan sagutin at ma­bigyang-linaw matapos na matukoy kamakailan ang isang bata sa Lungsod ng Quezon na may polio kahit nabigyan ito ng bakuna.

Kailangan umanong maipaliwanag DOH kung bakit patuloy na hindi naagapan ang polio sa kabila ng programa.

“I would like to know from DOH how many polio viruses out there are threatening our children and how many vaccines do they have to protect them,” ayon kay Castelo, vice chairman ng House Committee on Metro Manila Development.

Una nang napaulat na mayroong polio viruses 1, 2 at 3 at ang isang bata mula sa Quezon City ay na­bigyan lamang ng bakuna para sa polio 1 at 3 kaya wala itong proteksiyon laban sa polio 2 nang ito ay tinamaan.

Noong nakaraang linggo, ay napaulat na tumaas sa 16 ang bilang ng kaso ng polio sa bansa mula nang ideklara ang outbreak noong Setyembre 2019 dahilan upang muling ipatupad ng pamahalaan ang anti-polio vaccine program. (Eralyn Prado)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More