Una sa Balita

Mula volleyball, Escollante talon sa canoe-kayak-dragon boat team

By
0 3,059

ISA si Leonora ‘Len’ Escollante na nasubaybayan ng Abante at maging ng kapatid nitong Abante TONITE nang huling maka-gold medal ang bansa sa 17th Southeast Asian Games women’s indoor volleyball noong 1993 sa Singapore.

Isa si Escollante sa mga pinili ni foreign coach Stanislav Lugailo ng Russia, ang tinapik naman noon ni Philippine Amateur Volleyball Association secretary general Ramon Suzara na humawak ng mataas na kalibreng programa na nagsimula noong 1990.

Ilan pa sa sumikat na kasabayang balibolista ni Escollante sa national team sina Zenaida Chavez, Rosemarie Prochina, Thelma Barina-Rojas at iba pa bilang astig na volleybelles ng bansa at ng Timog-Silangang Asya, hinakbangan ang Thailand sa gold-medal match sa city state.

Abante Hiring – IT dep

Mula sa volleyball, lumundag si Escollante sa ibang sports.

Sikat pa rin siya bilang batikang coach ngayon ng Philippine Canoe-Kayak-Dragon Boat Federation na kilala hindi lang sa SEA kundi maging sa Asia at sa iba’t ibang pang panig ng daigdig.

Bumiyahe kamakailan ang 30-player (16-men, 14-women) PHL dragon boat team pa-Taiwan upang sumagwan sa 2018 Bitan International Dragon Boat Open Competition sa May 5-7, test event para sa national men’s squad at qualifying event sa women’s team sa 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.