Una sa Balita

Mukhang pera: Kinansela na, naningil pa! PAL-LUCIO TAN kinuyog sa coron flight

By
0 1,825

DEDMA ang Philippine Airlines (PAL) sa mga nag-aalboroto nitong mga pasaherong na-stranded sa Coron bunsod ng pagsasara ng Busuanga airport noong isang linggo.

Ayon sa isa sa mga pasaherong apektado na si Alyssa Dumlao, dalawang beses kinansela ng PAL ang kanilang flight nang isara ang airport sa Busuanga.

Ang ipinagngingit­ngit niya ay may gana pa aniya ang PAL na pag-aari ng bilyonaryong si Lucio Tan na singilin sila para sa kanilang flight gayong PAL mismo ang nagkansela.

“We didn’t cancel it, you did. We already had to pay extra for our hotels. I had to reschedule my flight that’s leaving tomorrow and had to pay $510 per person. Are you gonna reimburse us that? I have to miss a whole week of work. Are you gonna reimburse me that?” tanong ni Dumlao. “This airline is a joke,” bahagi ng pahayag ni Dumlao sa kanyang FB page.

Giit naman ni Anat Prag, “Philippine airlines provide no information, no support, no responsibility to paying clients.”

“Worst airline!” sabi ni Jean Tubera. “Bwiset kang airline ka.”

Nabatid na dalawang araw isinara ang airport sa Busuanga kaya dapat dagdagan ng PAL ang kanilang mga flight para makabalik agad ang mga pasaherong stranded.

Nabatid na maraming pasahero, hindi lang ng PAL, ang kinailangang mag-rebook ng kanilang biyahe dahil hindi nila mahahabol ang connec­ting flights sa ibang lugar.

Sabi ni Simon Ly, “I am missing my air flight on Monday, and have to rebook a new flight. They better reimburse me for making me miss my plane flight.”

Tanong naman ni Art Paul Cruz, “Bakit walang priority sa twice na na-cancelled ang flights. Hindi niyo naman sagot hotel namin. Nandito kami sa airport maghintay lang buong araw.”

Mahigit pitong araw nang inaalam ng Abante kay PAL spokesperson Cielo Villaluna ang problema pero wala pa rin itong sagot kung babayaran ng PAL ang mga nagastos ng mga pasaherong nagbarko at gumawa ng ibang paraan para makabalik ng Luzon dahil hindi nila kakayanin manatili sa Coron ng halos dalawang linggo.