Una sa Balita

Mukha ni Mika pinaglaruan

0 900

Maingay na agad ang primetime series nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz. Hindi pa man nagsisimulang umere sa GMA, pinag-uusapan ang upcoming serye ng dalawa na “Kara Mia.”

Kuwento ito ng magkapatid na Kara (Barbie) at Mia (Mika) na pinanganak na may Disprosopus or craniofacial duplication, isang congenital defect kung saan mayroon silang dalawang mukha pero mayroon lamang iisang katawan.

Aba, iba-ibang meme na nga ang nagkalat online patungkol sa serye. Maging si Mika man ay ­naintriga sa concept ng kanyang bagong show sa GMA.

Sey niya, “Well sa totoo lang nakaka-intriga naman kasi talaga and it also took us awhile to get used to the idea. We found it quite creepy also at first but when you go deeper into the story, du’n mo maa-appreciate eh. It’s special, it’s unique at naniniwala akong makikita din nila ‘yun.”

Obviously, natutuwa si Mika sa atensyon na nakukuha niya ngayon lalo na sa mga netizen dahil sa mga meme niya na naglalabasan. Post nga niya sa kanyang IG account, “Okay so nagsimula po ang 2019 ko na naging meme ako at naplaster ang mukha ko kung saan saan at in fairness, ibang klase talaga ang taba ng utak ng mga pinoy!!”

Nagpasalamat ito dahil ngayon pa lang daw, ­trending na sila. Leading men nila ni ­Barbie sina Jak Roberto at Paul ­Salas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy