Una sa Balita

Mukha ni Marian pinaglaruan ni Zia

0 433

Kaaliw si Zia, ha! Alam na alam niya kung paano paligayahin ang nanay niyang si Marian Rivera.

Sa latest Instagram story ni Marian, makikita ang picture na may hawak na pencil (eye brow) si Zia at dinu-drowingan ang kanyang mukha.

“Kaloka itong anak ko, lagyan daw niya ako freckles para ako raw si Anna (Frozen),” sabi ni Marian.

Super aliw, ‘di ba? Ang ganda ng bonding ng mag-ina.

Kaya nga si Marian, talagang ayaw na ayaw nang lumabas ng bahay. Kung sobrang mahalaga lang ang lakad niya, o mga nakompromiso, natanguan na trabaho, doon lang siya luma-labas talaga.

Eh kasi nga, sa bahay pa lang nila, sulit na sulit na ang araw niya, lubos na lubos na ang kaligayahan niya sa mga anak niya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy