Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mukha ni Kathryn nalantad sa mga dahon

0 692

Isang lalake mula sa Kalibo, Aklan ang hinangaan sa social media dahil sa artwork na ginawa niya, na ang kanyang subject ay si Kathryn Bernardo.

Ni-retweet ni @sagadkopaba ang ilang larawan mula sa obra ni Fernando Relox Raet.

“Amazing talent. Kathryn Bernardo @bernadokath in “kusot” art made by Mark Fernandez Relox Raet, 23 years old of Bakhaw norte, Kalibo, Aklan His art was made of sawdust, and dried coconut and banana leaves. (KUSOT, LIAY, EAMAY). Monecca, sister of Mark.”

Makikita sa photos na binuo ni Mark ang imahe ni Kathryn sa lupa gamit ang mga tuyong dahon.

Kinunan pataas ang larawan kasama ang pintor at makikita ang tila ipinintang mukha ni Kathryn sa isang canvas dahil sa maayos na pagkakaguhit nito.

Alessandra walang silbi sa lipunan

Isa si Alessandra de Rossi sa mga nagpatunay na puwedeng gawing disinfectant ang insect spray. Ayon kay Alex, nang aksidenteng masugatan siya ay inespreyan niya ng baygon ang kanyang sugat.

“Awa ng Diyos, andito pa rin yung peklat. At lagi ako napapangiti. Dads are the best!” chika ni Alex.

Samantala, feeling ni Alex ay wala siyang saysay bilang artista sa panahon ng pandemya.

“Walang magawa yung trabaho ko during this time. Ano work ko ba dapat, Lord? Tapos naiisip ko kung doctor ako…hindi ko kaya tong stress. Hindi ako superhero. Tulungan natin sila plese by staying home at isipin na lahat ay asymptomatic. Please,” sey niya.

Carla lumalaban para sa mga hayop

Patuloy si Carla Abellana sa pakikipaglaban para sa kapakanan ng mga hayop.

“The reason why we are dedicated to healing many animals is because there are so many people dedicated to hurting them and not care. Speak up for those cannot speak for themselves,” sey niya.

Sa caption ng post ipinaliwanag ni Carla na lumalaki ang kaso ng panga-abuso sa mga hayup kaya dapat lang na protektahan ang mga ito.

“Due to a high number of reported animal abuse cases these past few weeks, @pawssionproject decided to finally put up a petition asking people in power to take action in improving animal welfare in the Philippines, they included the biggest concerns they encounter on a daily basis, and also provided recommendations on how they can alleviate the suffering/lack of care experienced by four-legged creatures in our country.

“How may more animals tortured, starved, ran over, shot, impounded, abused, sold for dog meat trade, killed, before the government will take action? Their lives matter too…”

Winwyn sumabak sa PH Navy

May katropa na si Arci Muñoz sa pagiging reservist sa army, at `yon ay si Winwyn Marquez na nagsimula na ngang mag-training sa Philippine Navy.

Masisilip sa Instagram ni Winwyn ang mga larawan na kuha sa training ground. Nakasuot ng puting shirt at maong jeans si Winwyn.

“BMC CLASS 01 2020, Class President, Marquez. Hooyah! #PhNavyReserveForce. Congrats sa lahat! Class 01 lets do this…Strict protocol was followed and everyone was required to do a rapid test before anything else,” sey niya.

Nagulat ang mga follower ni Winwyn sa pagsali niya sa military.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.