Una sa Balita

Mukha ni Daniel burado sa post ni Heart

By
0 11,118

Sinagot ni Heart Evangelista-Escudero ang tanong ng isang netizen kung bakit burado ang mukha ni Daniel Matsunaga sa isang photo kung saan magkasama sila sa isang event.

Nagkaroon ng relasyon noon sina Heart at Daniel, pero kahit na naghiwalay na sila nanatili silang magkaibigan.

Nagkataon na pareho silang imbitado sa pop up store ng fragrance line na Maison Francis Kurkdjian.

Tanong ng isang netizen sa post ni Heart sa Instagram: “Did she just blur Dandan Matsunaga? hahahaha.”

Sinagot naman ito ni Heart na hindi raw niya iyon sinadya, pero magkaibigan naman daw sila ni Daniel.

Natuwa naman ang netizen na malaman na friends ang dalawa. May kanya-kanya na kasi silang buhay at pareho na silang masaya.

Sa isang group photo naman, makikitang hindi blur ang mukha ni Daniel. Noon pa man sinabi ni Heart na wala na siyang bitterness sa kanyang puso para sa kanyang mga naging ex-boyfriend. Kaya puwede niyang harapin at kausapin ang mga ito na hindi niya kailangan iwasan.