Una sa Balita

Mukha ni Benjamin namaga sa sampal ni Sanya

0 283

Hands down ang mga Kapuso viewer sa napaka-intense na eksena sa trending GMA Afternoon Prime series na “Dahil Sa Pag-ibig”! Nagliliyab ang paulit-ulit na pananampal ng karakter ni Sanya Lopez na si Mariel sa taksil nitong asawa na si Eldon (Benjamin Alves).

Ramdam sa bawat linya ang emosyon ng aktres na pati ang mga manonood ay nadala at apektado rito!

Komento ni Antonette C, “Sige Mariel bugbugin mo yan! Nanggigigil ako eh! text mo address ng ospital susugurin ko yan Mariel let’s go!”

Dagdag pa ng iba, napakahusay ni Sanya sa bawat episode ng serye kaya hangang-hanga ang fans sa kanya. Kaya naman lalong dumami ang mga kakampi ni Mariel laban kay Eldon.

Makikita naman sa Instagram ni Benjamin na nila-lagan niya ng yelo ang kanyang panga na tila namaga dahil sa sunod-sunod na sampal ni Sanya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy