Una sa Balita

Mukha ng politiko ibinalandra sa Expressway

By
0 366

SINO daw itong politiko na nagpalagay ng mala­king larawan sa Expressway, ilang buwan bago umarangkada ang kampanya sa senatorial elections?

Nakarating sa impormasyon ni Mang ­Teban na ibinalandra ng politiko ang kanyang larawan sa gilid ng Expressway para nga naman makita ng ilang ­libong motoristang mapapadaan dito.

May proyekto daw kasi ang politiko sa nasa­bing lugar, pero limang kilometro pa ang layo nito sa actual site.

Imbes na ilagay ang tarpaulin sa project site kung saan mga ­palaka lang ang makakakita, aba’y umandar ang pagiging matakaw sa publisidad ng politiko matapos na ibalandra sa Expressway ang kanyang larawan.

Pintahan n’yo na. Ang politiko na ibinalandra ang kanyang mukha sa Expressway ay miyembro ng isang political party na may kulay. May letrang ‘C’ sa kanyang pangalan as in kamukha daw niya ang komedyanteng si Chokoleit.