Una sa Balita

Mudra ng aktor rason sa hiwalayan kay aktres

Give me 5!

0 1,070

Pagkatapos nang mahaba-habang panahon ay lu­mabas din ang katotohanan na ang mommy pala ng isang young actor ang kontrang-kontra sa kanyang da­ting karelasyong young actress.

Kung anu-anong dahilan ang lumutang nu’ng mag-break sila, pero napailalim ang totoong dahilan, ngayon lang lumantad ang katotohanan na ang pag-ayaw ng mommy ng young actor sa young actress ang nagtulak sa kanilang hiwalayan.

Kuwento ng isang source na maraming alam tungkol sa kuwento, “Sobrang mama’s boy ang guy, hindi siya puwedeng kumilos nang hindi nakatabi ang mommy niya. Kung ano ang sabihin ng nanay niya, pinaniniwalaan agad ng bagets.

“Imagine, teenager na siya, pero palagi pa ring nakaagapay sa kanya ang mommy niya. Kapag magsusuot siya ng t-shirt, didipa lang siya, ang mommy na niya ang magsusuot nu’n sa kanya!

“Kapag shoes naman ang kailangan niya, e, basta uupo na lang siya, ang mommy niya ang nagsusuot at nagtatali ng sintas ng shoes niya!

“Kapag kakain na siya, e, para siyang baby, talagang tutok na tutok sa kanya ang mudra niya, ipinaghihimay pa nga siya ng chicken at fish!

“Pinagtatawanan kaya sila sa set ng mga mismong kasamahan niya? Paano nga, kahit kayang-kaya na niyang kumilos, e, ang mommy pa rin niya ang gumagawa ng lahat para sa kanya?” napapata­wang kuwento ng aming source.

Dahil sa sobrang closeness ng mag-ina ay parang walang kahit sinong puwedeng humalo sa kanilang mundo. Nang makarelasyon ng bagets­ ang young actress ay ramdam ang pag-ayaw nito sa girl para sa kanyang anak.

Patuloy ng aming source, “Natural, hindi ipakikita ni mommy ang pag-ayaw sa girl dahil masasaktan ang dearest son niya, pero sa totoo lang, ramdam ng mga nakapaligid sa kanila na ayaw na ayaw ng mommy ng bagets sa girlfriend niya!

“Nu’ng mag-break sila, e, si mommy ang pinakamasaya. Para bang wala na siyang kaagawan sa attention ng dearest son niya.

Sobra ang pagiging mama’s boy ng young actor na ‘yun, batas ang bawat sabihin ng mother niya, kaya nakakaawa naman ang magiging girlfriend niya,” panghu­ling kuwento ng aming impormante.

 

Kris ‘di matibag sa paninira ng mga Falcis

Panahon na nga lang siguro ang gagawa ng paraan­ para lumambot ang puso ni Kris Aquino sa kanyang dating business partner na si Nicko Falcis.

Sa ngayon ay diretsong nasasabi ng aktres-TV host na hindi na niya makakayang patawarin si Nicko dahil sa dami na ng mga pambabastos na inabot niya dahil sa pagkakaso ng pagnanakaw sa pinagkatiwalaan niyang si Nicko.

Ayaw ni Kris na sabihin ng buong bayan na tanga siya dahil sa kabila ng kung anu-anong pag­lalantad ng mga impormasyon ni Nicko at ng kapatid nito laban sa kanya ay nagawa pa rin niyang makapagpatawad.

Sabi nga ng dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy, “Learn to forgive but remember names.” Puwede tayong magpatawad pero magmarka tayo ng mga pa­ngalan.

Wala raw kasi siyang nakikitang pagpapakum­baba man lang mula kay Nicko, sa halip, lahat ng mga pangyayaring naganap nu’ng magkasama pa sila sa produksiyon ay inilalantad nito na puro kasinungalingan lang daw naman ayon kay Kris.

Ang totoo ay nirambol nga si Kris ng pa­milya. Bukod kay Nicko ay napakatalas din ng minantikaang dila ng kapatid nitong abogado, nakihalo pa ang kanyang ina at kapatid na babae, pero walang nakihalong sinuman mula sa mga kapatid ni Kris.

Dapat lang magpasa­lamat si Kris dahil sa kabila ng mga ibinatong pintas at pangmemenos sa kanyang pagkatao ng pamilya ay heto at nakatayo pa rin siya.

Sabi ng isang kaibigan naming nagtatrabaho sa BID, “Ibang klase talaga si Kris Aquino! Dalawang mata ko ang nakakakita kung paano siya pagka­guluhan sa airport! Parang walang issue, parang walang controversy, parang walang anumang nababasa ang mga Pinoy na kontra sa kanya!

“Kapag nagpapaka­totoo ka talaga, kapag wala lang pretensions, lalo kang napapamahal sa mga tao,” pumapala­tak pang komento ng aming kaibigan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy