MTRCB, TUTUTUKAN ANG MGA PALABAS SA BUS NGAYONG HOLY WEEK!

By
0 146

Magsasagawa ng inspection and information drive ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga passenger buses and various bus terminals ngayong April 10-11.

MTRCB Board Members will tour several bus terminals along EDSA-Cubao area on 10 April 2017 and in Manila area on 11 April 2017. The said activity will be conducted days before the Holy Week, where thousands of Juan and Juana passengers are expected to travel to the provinces for the Holy Week break.

Layunin ng activity na ito na itaas ang public awareness and to ensure that buses only exhibited materials within the Ge­neral Audience (G) or Parental G­uidance (PG) film classification so that children on board will not be exposed to materials inappropriate for their age.

The inspection is in support of the agency’s information dissemination campaign to all bus operators to check their compliance to the rules and regulations of the Board, and for the bus commuters to be informed of their right to responsible, age-appropriate, and va­lue-based media while traversing aboard the “mobile theaters” and/or awaiting departure from bus terminal stations.

The Good Teacher, pasabog!

Ang The Good Teacher ang panibagong handog ng GMA, at marami ang naiintriga kung tungkol saan ito. Tungkol nga ba ito sa isang ma­buting guro, o may iba ba itong ibig sabihin?
Gusto rin naming malaman kung sino-sino ang mapapabilang sa cast dahil kaabang-abang talaga ang konsepto ng programang ihahandog ng Kapuso Network sa kanilang loyal viewers. Nakaka-excite tuloy malaman dahil siguradong pasabog ang bagong teleseryeng ito na dapat abangan sa GMA.

PRESIDENT VICE, NAKA-100,000!

Vice Ganda

Isa na ngang certified best-selling author si Vice Ganda. Ang kanyang libro na President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas ay nakabenta na nang mahigit sa 100,000 kopya mula nung ito’y u­nang inilabas last July 2016.

Nagulat sa Vice Ganda nang sinorpresa siya nina ABS-CBN Publishing president Ernie Lopez at managing director Mark Yambot sa “It’s Showtime” para magbigay ng pagkilala sa kanyang tagumpay. Ayon kay Ernie, Ang “President Vice” ay na­nguna sa best-sellers list ng Nati­onal Book Store sa loob ng limang sunod-sunod na buwan.

 “Sa lahat ng bumili at natuwa, nagbabasa habang nasa traffic sila o nabubugnot sa bahay, maraming salamat. Bago itong achievement sa buhay ko. First time kong gumawa ng libro at buti na lang ay naging isang success,” say ni Vice Ganda.

Kabilang na si Vice Ganda sa iilan lamang na best-selling authors ng bansa na nakabenta ng higit 100,000 kopya ng kanilang libro tulad ng namayapang Senador Miriam Defensor Santiago para sa Stupid is Forever at ni Alex Gonzaga para naman sa Dear Alex, Break na Kami. Paano?! Love, Catherine.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...