Una sa Balita

MTRCB binawi na ang X rating sa ‘Meta’

0 446

Heto na nga ang latest development sa “Metamorphosis” base sa FB post ni Direk Jose Tiglao:

“Okay na guys! Salamat sa lahat ng nag-ingay. Narinig nila tayo! Wala din tayong binawas sa pelikula!

“Salamat din sa nakausap ko kagabi kahit madaling araw na para magbigay ng advice. Kay Sir Ricky Lee, Kip Oebanda, Eduardo Roy Jr., nay Sarah Pagcaliwagan Brakensiek, at sa lahaaaaat!

Teka pwede na ako umidlip noh kahit 30mins lang? Opening night na pala mamaya!!! Bye world Zzzzz.”

“Nagtagumpay tayong palayain ang paruparo! From X rating to R-16 (16yo and above are allowed to watch the film)! And we promise you that NOTHING has been compromised– no shots or scenes have been cut. Maraming salamat sa lahat ng nag-ingay at narinig nila tayo! Salamat, MTRCB! #LabanMeta #MetaFilm,” ani Direk Tiglao. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy