Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mt Bulusan yumanig ng 107 beses

0 127

Matapos manahimik ng ilang araw, muling nag-alboroto ang Mt. Bulusan nang magtala ito ng 107 pagyanig sa loob ng nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (PHIVOLCS), nakitaan din ito bahagyang pagbuga ng usok na may taas na 100 metro at 630 tonelada ng sulfur dioxide.

Dahil dito kung kaya’t posible pa rin umano itong magkaroon ng phreatic explosion sa susunod na mga oras o araw.
Nakataas pa rin ang alert level 1 sa paligid ng bulkan simula nang pumutok ito noong Hunyo 5 at sinundan noong Hunyo 12.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer permanent danger zone habang pinaaalerto rin ang sinuman na papasok sa two-kilometer extended danger zone sa southeast sector ng bulkan. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.