Una sa Balita

Mt. Bulusan, pumutok! 

By ,
0 5

Nagparamdam ng abnormalidad ang Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon matapos na magkaroon ng mahi­git 100 pagyanig o volcanic earthquakes sa paligid nito sa loob ng 24-oras.

Ayon kay Ed Laguerta, resident volcanologist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Bicol, nakapagtala sila ng 113 volcanic earthquakes sa paligid ng Mt. Bulusan sa buong magdamag.

Bukod dito, dagdag pa ni Laguerta na may namataan ding usok mula sa bunganga nito sa mga nakalipas na araw na senyales umano ng abnormalidad ng bulkan.

Hindi naman siniguro ng opisyal ng ahensya ang agarang pagsabog ng bulkan dahil kanila pang pag-aaralan ang panibagong aktibidades nito sa mga susunod na araw.

Dahil sa abnormalidad ay pinagbabawal muna ang paglapit sa crater ng bulkan ng mga turista dahil sa ilang senyales ng pag-alboroto nito.

Sa kasalukuyan ay nananatili ang alert level one sa Bulkang Bulusan dahil isa itong aktibong bulkan.

Mahigpit ding pinaiiral ang “no entry policy” sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan.

Kaugnay nito, ina­ta­san kahapon ni Pa­ngu­long Benigno Aquino III ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (ND­RRMC)­ gayundin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulu­ngan ang mga residente na apek­tado ng pagsabog ng Mt. Bulusan kahapon ng umaga sa Sorsogon, ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.