Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mt Bulusan kalmado pero delikado

0 114

Bahagyang kumalma ang pag-aalboroto ng Mt. Bulusan matapos itong magtala ng 22 pagyanig at pag-usok ng hanggang 400 metro ang taas sa nakalipas na 24 oras.

Gayunman, iginiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi pa rin ito garantiya na lubusan ng kalmado ang bulkan dahil nagpapakita pa rin ito ng abnormal na aktibidad.

Nitong Hunyo 24, nagtala ang Phivolcs ng 65 pagyanig sa paligid ng bulkan, 751 tonelada ng sulfur dioxide naman ang naitala nitong Hunyo 23.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang alert level 1 o low-level unrest sa Bulkang Bulusan habang mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglapit sa pinalawig na two kilometer danger zone sa paligid nito. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.