Una sa Balita

Ms. Earth International sa Bicol

0 177

SA kauna-unahang pagkakataon gaganapin ang Ms. Earth International Beauty Pageant sa Bicol sa Oktubre sa layong i-promote ang kagandahan ng iba’t ibang tourist spot sa lugar.

Ito ang pinahayag ni Carlo Batalla, organizer ng 2019 Ms. Earth International sa ‘Report to the Nation’ forum sa National Press Club.
Tinatayang 96 foreign contestant ang lalahok sa naturang kompetisyon, ayon kay Batalla.

Ang mga contestant ay ipapasyal sa 16 lalawigan ng Bicol at magsasagawa sila ng mga aktibidad kabilang ang tree planting sa mga nakakalbong kagubutan sa lugar.

Ipapasyal din ang mga contestant sa mga kila­lang lugar gaya ng Mayon Volcano, Cagsawa Ruins Church, whale watching at ang pinakasikat na simbahan ng Peñafrancia.

Ang coronation night ay gaganapin sa JCM Rob­redo Coliseum na makaka-accomodate ng 14,000 katao.(Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy