Una sa Balita

MRTirik ulit: Motor ng tren pumalya sa Buendia

By
0 146

MULI na namang tumirik ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 kaya napilitang pababain ang nasa 1,200 na mga pasahero nito bandang alas-9:45 nang gabi nitong Huwebes sa north bound lane ng Buendia station.

Paliwanag ng Department of Transportation (DOTr), nagkaroon ng electrical failure sa motor ng tren kaya napilitang magpababa ng mga pasahero.

Naghintay ang ilang pasahero sa kasunod na tren habang umalis na lang ang iba at piniling sumakay ng bus.

Abante Hiring – IT dep

Paliwanag naman ng pamunuan ng MRT-3, sa Buendia station na nasira ang motor ng isang tren dahil sa electrical sub-components kung saan ay hindi gumana ang main chopper, regulator at insulator.

Nakatakdang isai­lalim ang nasirang tren sa preventive maintenance.