Una sa Balita

MRTirik ulit, 700 pasahero naperwisyo

0 294

MULI na namang tumirik ang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kasagsagan ng rush hour kahapon ng umaga.

Base sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), dakong alas- 8:17 nang umaga nang pumalya ang sinasakyang tren ng mga pasahero sa northbound ng Guadalupe Station.

Paliwanag ng MRT-3 na electrical failure ang sanhi ng mga lumang electrical sub-component sa motor ng tren ang sinasabing dahilan ng aberya.

Dahil naman sa aberya ay napilitan ang MRT-3 na magpababa ng tinatayang 700 pasahero.

“Shortly before this, at 8:17 am, some of the passengers evacuated at the interstation of Guadalupe and Buendia. As of 8:25 am, the said defective train gained traction,” anunsiyo ng DOTr.

“The whole train was unloaded, with approximately 700 passengers,” dagdag pa nito.

Kaagad rin namang naisakay sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero matapos ang may walong minuto.

Dahil dito humingi naman ng paumanhin ang DOTr-MRT3 dahil sa perwisyong idinulot ng aberya sa kanilang mga pasahero.

Ang MRT-3 na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA ang siyang nagdudugtong sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City. (Armida Rico/Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy