MRTirik, not once but thrice

By ,

Umaga pa lang kahapon ay tatlong beses na tumirik ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) na naging dahilan ng pagkaperwisyo ng mga papasok na estudyante at mga empleyado.

Napag-alaman na mula sa control tower ng MRT-3 ang unang aberya ng isang bagon, na naganap dakong alas-6:25 ng umaga sa GMA Kamu­ning Northbound station sa Quezon City.

Pinababa ang mga pasahero habang hinatak pabalik ng MRT-3 depo ang nagka-aberyang tren bago naibalik sa normal ang operasyon.

Makalipas ang halos isang oras, muling nagkaroon ng problema ang biyahe ng isa pang tren dakong alas-7:12 ng umaga sa Guadalupe Northbound station naman sa Makati City.

Nasundan ng ikatlong aberya dakong alas-10:18 ng umaga sa Kamuning Northbound station.

Paliwanag ng pamu­nuan ng MRT-3, pawang technical problem ang sinasabing dahilan ng magkakasunod na aberya.

Ang MRT-3 ay bumi­biyahe sa kahabaan ng EDSA mula sa North Ave­nue, Quezon City patung­o ng Taft Avenue, Pasay City at vice versa. 

SHARE