Una sa Balita

MRTirik: Mga pasahero sa Kamuning, Ortigas pinababa

By
0 492

PERWISYO na naman ang inabot ng mga pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos na magkaaberya ng dalawang beses kung saan pinababa ang mga pasahero sa Kamuning at Ortigas.

Umabot sa 75 mga pasahero ang unang pinababa matapos magkaroon ng aberya ang isang tren bandang alas-6:27 linggo nang umaga sa southbound ng Kamu­ning station.

Electrical failure sa motor ang sinasabing dahilan.

Makalipas ang dalawang minuto ay nakasakay din naman agad ang mga apektadong pinababang pasahero.

Matapos ang unang pagtirik, pinababa rin ang 350 pasahero nang muling tumirik ang isang tren ng MRT-3 bandang alas-2:34 kahapon nang hapon sa north bound ng Ortigas station sanhi ng electrical failure.

Kaugnay ng aberya ay humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 at ang DOTr.

Kasalukuyan nang kinukumpuni ang nasabing mga bagon sa depot area sa North station.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy