Una sa Balita

MRTirik isang linggo na

By
0 7

Halos isang linggong nakaranas ng aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 kung saan ay napuwersang bumaba ang mga pasahero dahil sa problemang teknikal.

Kahapon ay muling pinababa ang mga pasahero MRT-3 sa gitna ng rush hour matapos na magkaproblema ang isa sa mga tren nito.

Dakong alas-8:29 ng umaga nang magkaaberya ang tren sa bahagi ng northbound ng Buendia Station na naging dahilan para panandaliang mabawasan ang mga tren ng MRT-3 na bumibiyahe kahapon.

Gayunman, nang mapalitan na ang nagkaproblemang tren ay muling naibalik sa dalawampu ang gumaganang tren kahapon.

Ika-siyam na beses nang nangyari ang aberya kahapon simula noong Lunes.