Una sa Balita

MRTirik hindi na mangyayari – DOTr

By
0 282

NANINDIGAN ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na wala nang nagaganap at magaganap pang aberya at pagtirik ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa DOTr, bumaba ang unloading incidents ng mga tren ng 56 beses mula Enero hanggang Nobyembre kumpara noong taong 2016 at 2017 na umabot sa 440 at 562 ang bilang ng pagtirik.

Paliwanag ng ahensya, patuloy ang maintenance work ng lahat ng mga tren ng MRT at ang delivery ng pangunahing spare parts nito matapos ang napagkasunduang P18 billion loan agreement ng Pilipinas at Japan para sa MRT rehabilitation pro­ject noong Nobyembre.

Kasama ang napagkasunduang loan agreement ay ang repair and maintenance ng MRT-3 electromechanical components, power supply, rail tracks, at depot equipment, kabilang na ang overhaul ng 72 light rail vehicles.

Nabatid na ang Sumitomo Mitsubishi Heavy Industries ay nakatakdang mag-take over ng rehabilitasyon at maintenance ng MRT-3 na magsisimula sa Ene­ro, 2019.
Samantala, nakabiyahe na ang ibinibidang tren ng MRT-3 mula sa Chinese firm supplier na CRRC Dalian.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, mayroong tatlong bagon ang nakabiyahe na bandang alas-10:00 nang umaga hanggang alas-dos kamakalawa nang hapon na kung saan kailangan itong i-test runs ng 150-oras tuwing off-peak hours para malaman ang katatagan at ayos nito sa pagbiyahe sa riles ng MRT.

Ang off-peak hours na oras ng biyahe ng bagong tren ay sini­mulan noong Disyembre 11-15 na sini­mulan alas-nuwebe nang umaga hanggang alas-tres nang hapon at sa Disyembre 16-23 ay ibibiyahe ito muli bandang alas-sais nang umaga hanggang alas-nuwebe nang gabi.

Nabatid na ang unang set ng bagong tren ay nakapasa sa test run na 150-hours noong Nobyembre 21 at dinala sa MRT depot para sa assessment ng Phi­lippine National Railways.

Ang 48 light rail vehicles (LRVs) mula sa Dalian ay dinala sa bansa noong 2016 pa subalit hidi agad naipalabas ng MRT dahil sa ilang isyu hanggang sa mapagkasunduan ng supplier na CCRC Dalian na sila ang sasagot sa gastusin para sa adjustment ng mga tren.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timo­thy John Batan, kailangang sumailalim sa 1,000-kilometer test run para sa 150 hours ang mga tren ng Dalian bago ito ibiyahe sa peak hours ng ope­rasyon ng MRT-3.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy