Una sa Balita

MRTirik forever!

By
0 32

Muli na namang tumirik ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) na ikinagalit ng libu-libong pasahero sa North Avenue Station sa Quezon City kahapon ng umaga.

Nabatid mula sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) na dakong alas-9:26 ng umaga nang tumigil ang operasyon ng MRT-3 sa Southbound area ng North Avenue Station.

Sinasabing nagkaroon ng problemang teknikal ang isang bagon kaya kinailangan na pansa­mantalang itigil ang ope­rasyon at kinakailangang ibalik sa MRT-Depo ang tumirik na tren.

Tumagal ng 10 minuto natigil ang operasyon kaya’t naipon ang mga pasahero sa mga istasyon ng MRT-3.

Nabwisit naman ang maraming pasahero na na-late sa pagpunta sa kani-kanilang mga destinasyon.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA mula sa North Avenue, Quezon City patungo ng Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy