Una sa Balita

MRTirik Day 32: Gulong nasira, 1K pasahero pinababa sa Santolan

By
0 1,826
Muli na namang nagkaroon ng aberya ang mga biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) sa kabila ng paninigurong magiging maa­yos na ang takbo nito ngayong Pebrero dahil umano sa pagda­ting ng bagong spare parts mula sa bagong maintenance provider. 
 
Nitong Biyernes ay pinababa ang may 1,000 pasahero ng MRT sa south bound ng Santolan station, dahil sa pagtirik ng tren bandang alas-4:40 ng hapon.
 
Problema sa gulong ang itinuturong dahilan ng pamunuan ng MRT. 
 
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), wheel slipping o skidding ang nakitang problema sa tren. Ibinalik ito sa depot para mapalitan ng wheel set component upang matiyak na ligtas itong gamitin.
 
Sa ngayon ay walong tren ng MRT na lamang ang tumatakbo kaya naaantala ang mga biyahe dahil na rin sa dami ng pasahero.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy