Una sa Balita

MRTirik Day 31: Bagon balik garahe sa system malfunction

By
0 2,335

Balik garahe alas-siyete ng umaga kahapon ang isang tren ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3), matapos makitaan ng pagkasira sa public address system malfunction.

Wala namang naiulat na pinababa, pinaglakad na nakasakay sa tren dahil natunugan umano­ agad ang sira ng tren kaya pinabalik.

Dahil dito, nasa siyam na tren lang ang tumatakbo mula North hanggang Taft Avenue stations malayo sa target sanang 15 tren na bibiyahe kung rush hour.

Paliwanag ng MRT management, wala namang naapektuhang pasahero bagkus ay nainip lang sa paghihintay ng susunod na tren.

Umabot naman sa walo hanggang siyam na minuto ang hintayan sa MRT bago dumating ang susunod na tren dahil sa kakulangan ng mga tren.

Samantala, dahil sa patuloy na aberya ng MRT-3 ay tila nababawasan na ang mga pasaherong tumatangkilik sa dating maayos na biyahe ng mga tren mula North hanggang Taft ­Avenue stations.

Sa nakalap na impormasyon ng Abante, marami na ang sumasakay sa inilaang P2P bus at UV express na bumibiyahe ng EDSA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy