Una sa Balita

MRTirik Day 19: Tren balik-depot sa palyadong signal

By ,
0 1,224
Umabot sa 1,050 pasahero ang pinababa sa south bound lane ng Ortigas ibinaba sa southbound lane ng Ortigas station ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos na magkaroon ng aberya ang tren na kanilang sinasakyan kahapon ng umaga.
 
Base sa abiso ng MRT-3, nakaranas ng technical problem ang isa nilang tren dakong alas-9:37 ng umaga.
 
Nagkaroon umano ng malfunction ang signaling system ng nasabing tren dahilan upang pababain nila ang mga pasahero nito sa nasabing istasyon.
 
Naghintay ng mahigit sa limang minuto ang mga pasahero bago nakalipat sa kasunod na biyahe ng tren.
 
Inilagay sa Category 3 ang nasirang tren na ibig sabihin ay inalis sa riles at ibinalik na lang sa depot ng MRT-3.
 
Sa kasalukuyan ay halos 12 tren na lang ang bumibiyahe sa kasagsagan ng rush hour sa MRT-3, malayo sa 18 hanggang 20 tren na dapat ibiyahe kapag oras na maraming pasahero.
 
Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa panibagong aberyang naganap sa isa nilang tren. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy