Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MRT3 dodoblehin dami ng pasahero

0 61

Inaasahang madaragdagan ang bilang ng mga pasaherong sasakay ng Metro Rali Transit Line 3 (MRT-3) na kung saan inaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang 30% na dagdag pasahero simula sa Lunes.

Nilinaw ng DOTr na maari nang makapagsakay ng hanggang 124 pasahero na dating nasa 51 lamang.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati, layunin nito na makadagdag ng pasahero ng tren.

“The increase in train capacity is a timely boost for the MRT-3, as the public demands higher number of public transportation in the midst of the COVID-19 pandemic,” ayon pa kay Capati.

Sa kabila nito, patuloy namang ipatutupad ang health and safety protocols sa loob ng mga tren kabilang ang pagsusuot ng face mask at face shield, pagbabawal ng paggamit ng cellphone, kumain at mag-usap upang mapanatiling ligtas laban sa coronavirus disease (Covid-19). (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.