Una sa Balita

MRT tumirik sa kidlat

By
0 3

Bago mag alas-singko kahapon ng madaling-araw ay naibalik na rin ang full operation ng Metro Rail Transit (MRT).

Ito’y matapos na tamaan ng kidlat ang catenary cable nito dahilan upang tumirik o huminto ang biyahe ng tren sa pagitan ng Ortigas at Santolan Stations Southbound bandang alas-siyete kamakalawa ng gabi.

Dahil sa pangyayari ay mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue na lamang ang biyahe ng MRT.

Gayunpaman, nag-abiso na rin ang pamunuan ng MRT na tigil muna ang biyaheng Ortigas patungong North EDSA at vice versa habang inaayos ang mga nasirang kable.

Alas-10:00 na ng gabi naayos ang nasapul ng kidlat ngunit bago mag alas-singko ng madaling-araw na tuluyang ibinalik ang buong operasyon ng tren.