Una sa Balita

MRT nagliyab

By
0 4

Pansamantalang natigil ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 nang magliyab ang ilalim ng upuan ng pasahero sa isang tren nito kahapon ng umaga.

Pasado alas-sais ng umaga nang tumigil ang tren habang papalapit sa northbound lane ng Santolan Station.
Nasunog kasi ang regulator board sa ilalim ng isang passenger seat sa Coach No. 66 ng MRT-3.

Ang regulator board ay tinatawag din na chopper control electronic rack ng tren tulad ng nasa Light Rail Transit (LRT).

Sa kabila nito, agad namang naapula ng drayber ang apoy gamit ang fire extinguisher.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente at hindi rin nag-panic ang mga pasahero.

Patuloy pang sinisiyasat ng pamunuan ng MRT-3 ang insidente para matukoy kung ano ang dahilan ng pagkakasunog ng regulator board.

Ipinahayag naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez na dapat na-overhaul ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) ang Coach No. 66 noon pang unang linggo ng Setyembre bago ito i-turn over sa Metro Rail Transit Authority (MRTA).

Ang BURI ang maintenance provider ng MRT-3.