Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MRT may pa-COVID test sa mga pasahero

0 38

Nagkaloob ng libreng COVID test ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 at Department of Transportation (DOTr) sa mga magboboluntaryong pasahero para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ipinatutupad din ng MRT-3 ang health protocols pati ang pagdi-disinfect sa lahat ng pasilidad at mga tren.

Magkakaroon din sila ng mass testing at pagpapabakuna sa kanilang mga manggagawa.

Siniguro rin ng pamunuan ng MRT-3 na magiging ligtas ang kalusugan ng mga pasahero. (Ansherina Jazul)

Leave A Reply

Your email address will not be published.