Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MRT libreng sakay hanggang June 30

0 93

Extended ang pagbibigay ng libreng sakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) hanggang June 30 matapos makatanggap ng maraming positibong batikos na malaki ang naitutulong ng ‘libreng sakay program’ sa mga mananakay ng tren na ikinatuwa naman ng Department of Transportation (DOTr).

Matatandaang inumpisahan ang ‘libreng sakay program’ noong March 28 hanggang April 30, kasabay pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at bilang pag-alalay na rin sa mga pasahero na bumibiyahe mula Pasay City hanggang Quezon City.

Muling pinalawig hanggang May 30 dahil sa pagpasok ng mga magagandang batikos mula sa mga mananakay at maging sa mga kritiko na dating nagbibigay ng negatibong opinyon at ngayon ay nagbigay na ng magandang feedback sa programa ng pamunuan ng MRT-3 at DOTr kaya mas in-extend ang ‘libreng sakay program’ hanggang June 30.

Ayon kay DOTr Secretary Art Tugade, maaaring ma-avail ang ‘libreng sakay program’ anumang oras mula alas-4:40 ng madaling-araw hanggang alas-10:10 ng gabi mula Taft Avenue sa Pasay City hanggang North Ave. sa Quezon City. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.