Una sa Balita

MRT, 5-BESES TUMIRIK; PASAHERO NASUGATAN

By
0 81

Dalawang pasahero­ ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang nasugatan nang biglang nagpreno ang isa sa mga tren nito sa Northbound ng Shaw Boulevard station kahapon ng umaga.

Ayon kay Transportation Undersecretar­y Cesar Chavez kabilang­ sa mga biktima ay ang 30-anyos na babae na nagtamo ng sugat sa kanyang kanang braso habang nasugatan sa kaliwang dibdib ang 68-an­yos na lalaking pasahero.

Sinasabing biglaang huminto ang tren dakong alas-7:13 ng umaga dahil sa problemang teknikal sa signaling system.

Bago ito, bandang alas-7:12 ng umaga nang magkaaberya sa Southbound ng Santolan station kung saan ay pinababa ang mga pasahero.

Nagkaroon ng ikatlong aberya ang MRT-3 dakong alas-8:15 ng umaga sa Northbound ng Magallanes station at makalipas ang ilan pang minuto ay nagkaproblema rin sa Southbound ng Boni­ Avenue Station bandang alas-8:22 ng umaga. Pinababa rin ang mga pasahero ng mga nasabing tren.

Dakong alas-9:11 ng umaga nang magkaroon ng problemang teknikal sa Northbound ng Boni Avenue station kung saan napilitan din ang mga pasahero na bumaba ng tren.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy